Vice SHOOKT sa sagot ng mga kandidata sa Miss Q&A It's Showtime October 30 2026
MINE na MINE ang spotlight ng P-Pop group na GAT sa kanilang performance of their song “MINE,” na nagpakilig sa Madlang People. Give na give para ang dream na korona ay hindi maging 'multo' lang. Walang tricks pero may bitbit na treat sina Jade Abad, Yan Evangelista, at Lhex Soriano, na hindi nagpasindak sa pagtalak kahit sa Tumpak Ganern ay muntik nang mawindang. Si Vice Ganda, napasigaw na lang ng, "Tigil na natin 'to!" dahil ang mga kandidata litong-lito na sa trivia questions. Sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa Wit Lang pa rin ang tuloy. Nabunot ni Lhex ang playtime question na, "Kaano-ano ni Coco Martin si Cocomelon?" Nakalaban niya si Yan, na napili naman ang tanong na, "Paano kung malakas ang dating mo pero pinauwi ka naman agad?" Mula Tambo, Parañaque, ang Madlang Players natin ay game na game. Sa Laro Laro Pick, jackPOT ang kanilang ultimate aim! Handa silang humakot ng papremyo, sa laro na puno ng good vibes at kuwento. Nakachikahan ng hosts si player Bell, ang mommy na looking young and pretty. Si Marlon naman, swabe lang ang dating sa mga banat niyang magaling! Hindi 'to kuwentong barbero, palabiro lang talaga ang kuya n'yo kaya aliw na aliw pati si Jhong Hilario. Itinadhana ang jackPOT round kay player Elvie, na para bang sinaniban daw ng something na 'di maipaliwanag. Kaya naman, with confidence, nag-goodbye siya sa P25,000 Li-POT offer. Tama ba ang naging pasya ni Elvie? #ShowtimeOctoBET #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment
ٹریلر
آپ کو یہ بھی پسند آ سکتا ہے
Odessa Jones ng
Not listening! Vhong at Vice, NAGTALO dahil sa pusit
NO TO CORRUPTION! SK officials, pinaalalahanan ni Meme
Vice SHOOKT sa sagot ng mga kandidata sa Miss Q&A It's Showtime October 30 2026
Pinoy Big Brother Collab 3.0
Love in the Moonlight: Redrawn
Street World Fighter Last Stage: 24H
This is Hyunmoo Road
Lucifer
Avatar: The Last Airbender
From
The Boys
Sparks Camp
It's Showtime(2026)
BINIversus
Gandara the Beksplorer
BINIverse and Chorus
Life with Londie London
Single's Inferno Reunion
Scandal love
DMD Friendship the Reality, The THIRD Chapter
Running Man(2026)
Stand BI Me
My Sibling's Romance
تبصرے
2 تبصرے
